Saturday, June 8, 2013

trivia tungkol kay Ronan

Sa Innodata rin kami nagkakilala ni Ronan hanggang sa napunta kami sa ACS at nabuo ang CERTIFIED TRIPPERZ. Mahiyain at tahimik at bihira lang magsalita pero pag nagsalita naman, sa kanya lahat. Masarap rin siya kasama dahil mapagbigay at maalaga at saka "always prepared." Nakakainis minsan dahil feeling niya siya yung pinakabata sa lahat pero infairness hindi naman halata kasi inaalagaan niya daw 'yung skin niya.


Marunong magpahalaga sa pamilya at sa mga taong naging bahagi sa buhay niya kaya nga umaani siya ng maraming kaibigan. Malimit magbiro at magyabang at wala siyang absent sa kapag may lakad ang grupo. Nagagalit rin ako sa kanya minsan pero alam ko nagagalit siya sa akin kadalasan, hehehe. Marami akong nakakatuwang experience sa Gemini na 'to. So, thank you for sharing something, I may not there always and may sometimes provoke you pero I consider you as part of my life na. Happy Birthday, Nan!!!. (ikaw nalay wish para sa imong self woe, hehhehe)


No comments:

Post a Comment

google search

Custom Search