Thursday, May 2, 2013

trivia tungkol kay Nelia



Katulad ni Mads, sa Innodata rin kaming unang nagtagpo ni Nelia. Team mates kami at kasama siya sa grupo naming pasaway pero pag nagtrabaho naman kami eh, talagang trabaho ang inaatupag namin. Sa break time nalang namin binubuhos ang kakulitan namin.

Pag lumalabas ang grupo, siya ang unang umuuwi dahil may curfew daw sa bahay ng kanyang auntie. At pag yan nag jojoke, hindi mo talaga mamalayan na mag jojoke pala siya dahil seryosong seryoso yan magsalita.

Minsan, sinamahan niya ako sa clinic dahil masamang masama ang  pakiramdam ko, takot na takot ako noon at natakot rin siya dahil hindi ako mapakali, hahahaha. Salamat dhai.

Mabait si Nelia, inuuna ang pamilya at walang masyadong arte sa buhay.

Happy, Happy Birthday Dhai Nelia!!!


No comments:

Post a Comment

google search

Custom Search