Thursday, May 2, 2013

trivia tungkol kay Mads



Nagkakilala kami ni Mads sa Innodata. Batch kaming noong training period pero sa ibang training room sila. Naging mag team mates kami after training. Nakaupo siya sa kabilang cubicle na nakatalikod. Buhok niya ang una kong napansin dahil sobrang shiny. OooOooy, kapangalan ko pala si Miss Shiny Hair. Mula noon, magkasama kami tuwing break time at lumalabas din kami paminsan minsan kasama ang buong barkada.

Pareho kaming Taurean pero magkaiba ang ugali namin dahil katulad ni Nelia, kadalasan mahinhin siya magsalita at mas mabait siya compara sa akin. Pero pareho kaming malakas tumawa lalo na kung si Emz at Nelia ang nag jojoke.

Malabong mauubusan siya ng salita pag nasa mood yan pero noong nagalit siya sa akin minsan (sorry mads), hahahaha, talagang hindi ako pinansin ng isang libong taon. Kasalanan ko naman so hinayaan ko muna siyang magtampo hanggang sa magsawa na siya.

Si Mads ay mapagmahal lalo na sa kanyang pamilya.

Happy Happy Birthday, Mads!!!

No comments:

Post a Comment

google search

Custom Search