Saturday, April 20, 2013

Happy Birthday, An!



Trivia tungkol kay An:

Nagkakilala kami ni An noong lumipat ang team namin mula i1 to Skyrise1 at hanggang sa naging team mates kami, Team Cutie. Si Jaja, Ronan, William, Floi at Karen lang ‘yung matagal na kasama niya dahil hindi palang na buo ang trippers nag resign na ako sa trabaho.

Ang trip lang namin sa Mindanao ang nasamahan ko na kasama rin si An. Hanggang siya ay punta na ng ibang bansa, mas lalong hindi kami naka pagbonding ng bongga bongga. Pero masarap kasama si An,minsan lang nauubusan ng salita at hindi mahirap pakisamahan. Maasahan mo pa, hindi mo na pweding mag leader at mag organize kasi magaling siya dun. Magaling siyang mangaral, pinangaralan nga niya ‘yung dalawang guides namin sa water rafting with matching galit mode sa sobrang inis niya dahil tinaob nila ang rubber boat namin at nalunod kami, huh, hindi sila nakapagsalita at nanginginig sa takot sa mga sinabi niya, hahaha.

Nainggit ako sa kanya dahil marami siyang kapatid, I’m sure ang gulo gulo at ang saya saya nun. Mas naging intresado ako sa kanya ng malaman ko na galing siya sa probinsyang pinanggalingan din ng tatay ko.


Happy, happy birthday Ann!!! :) 




No comments:

Post a Comment

google search

Custom Search